Pagsisimula ng 2 linggong transport strike, mapayapa—PNP

Pagsisimula ng 2 linggong transport strike, mapayapa—PNP

NANANATILING mapayapa ang pagsisimula ng dalawang linggong tigil-pasada ng grupong Manibela at ilang local chapter ng grupong PISTON.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na wala silang namo-monitor na seryosong insidente sa alinmang lugar sa bansa.

Ayon kay Fajardo, sumusunod ang dalawang grupo sa kanilang napagkasunduan sa pagsasagawa nila ng aktibidad.

Patuloy aniya ang gagawing pagbabantay ng pulisya hanggang sa pagtatapos ng transport strike sa Disyembre 29.

Sa ngayon, nakahanda ang assets ng pulisya na magbigay ng libreng sakay sa mga motorista na mahihirapang makahanap ng masasakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble