Pagsusuot ng face mask sa NAIA, opsiyonal na—MIAA

Pagsusuot ng face mask sa NAIA, opsiyonal na—MIAA

OPSIYONAL na lamang sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagsusuot ng face mask.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay alinsunod sa Executive Order No. 7 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. o ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor areas.

Nilinaw rin ng ahensiya na kinakailangan pa ring magsuot ng mask kung nakasakay na sa eroplano at sa airside passenger vehicles.

Maaalala na ipinatupad sa bansa ang mandatoryong pagsusuot ng face mask dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter