Pagtaas ng presyo ng bilihin sa Oriental Mindoro, pinasisiyasat sa DTI

Pagtaas ng presyo ng bilihin sa Oriental Mindoro, pinasisiyasat sa DTI

PINASISIYASAT ngayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga bayan sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. nakababahala ang pagtaas ng presyo ng mga basic commodities ngayong natigil ang pangkabuhayan sa lugar dahil sa dulot ng oil spill.

Giit pa nito, hindi dapat pinagsasamantalahan ang naturang pangyayari at huwag hayaang magdusa ang mga mamamayan sa Mindoro.

Sinabi rin ni Revilla na dapat magkaroon ng estriktong monitoring ang DTI dito, siguraduhing nasa tama at hindi basta-bastang tataas ang mga bilihin sa Oriental Mindoro o sa alinmang lugar na may sakuna.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter