Pagtutol ni VP Sara sa peace talks, suportado ni former PNP Chief Gen. Albayalde

Pagtutol ni VP Sara sa peace talks, suportado ni former PNP Chief Gen. Albayalde

PABOR si former Philippine National Police (PNP) Chief Ret. PGen Oscar Albayalde sa pagtutol ni Vice President Sara Duterte at sa panawagan nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi sagot ang peace talks at pagbibigay ng amnestiya sa mga rebelde.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News North Central Luzon kay Albayalde, binigyang-diin nito na hindi kailanman naging sinsero sa usaping pangkapayapaan o peace talks ang mga komunistang teroristang grupo.

“Kung talagang sincere sila na makipag peace talk sa atin, ang unang-una sigurong gagawin nila supposed to be is to surrender all the firearms, unang-una itong pong mga firearms na ito ay iligal, wala naman pong lisensya ‘yang mga ‘yan at kapag sinabing peace talk, kapag merong SOMO o ‘yung walang military operations dapat wala rin pong operations sa kanila at walang gagawin kundi ‘yung pag-uusapan ‘yung peace talks about peace kaya nga po tinawag na peace talks about peace at saka ‘yung kung papaano sila matulungan na makabalik sa ating lipunan,” ayon kay Ret. PGen Oscar ‘Oca’ David Albayalde, Former PNP Chief.

Panlilinlang aniya na matatawag ang ginagawang hakbang ng komunistang teroristang grupo sa likod ng kahilingan nilang suspension of military operations (SOMO) gamit ang peace talks.

Ayon sa dating PNP chief, suportado nito ang hakbang sa pagtataguyod ng kapayapaan ngunit kinakailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang pagbibigay ng amnestiya sa mga dati at kasalukuyang rebelde.

“We should be very careful on that, unang-una kaya po sila nakulong ay may nagawang kasalanan ‘yang mga ‘yan lumabag sa batas, kawawa naman po ‘yung mga ordinaryong mamamayan natin na lumabag sa batas at wala namang peace talk sa kanila. May mga murder cases, hindi lang siguro po ‘yan may mga alleged massacres pa and then, pakakawalan mo so parang it will be unfair naman po doon sa mga…lalo na ‘yung mga nakakulong siguro na wala namang naging sala, walang kasalanan tapos ito na alam natin na itong mga tao na ito lumalaban mismo, nilalabanan mismo ang ating gobyerno in an armed conflict pa,” dagdag ni Albayalde.

Taumbayan at mamamahayag, may karapatang kuwestiyunin ang isang lingkod-bayan—Gen. Albayalde

Samantala, bilang dating PNP chief at lingkod-bayan, wala umanong problema sa heneral ang pagkukuwestiyon ng mamamahayag sa mga opisyal ng bansa dahil sa ito ay pananagutan nila sa sambayanang Pilipino bilang public servant.

“That’s part of transparency, accountable ka po sa bayan hindi lang po sa mga journalist natin, accountable ka sa bayan so it’s still ok po ‘yun, walang problema po ‘yun sabi ko nga part po ‘yun ng pagiging public servant, remember kapag ikaw po ay public servant dapat open ka sa public talaga, you should be transparent talaga kapag ikaw ay isang public servant,” ayon pa kay Albayalde.

Maganda rin aniya ang ginawang hakbang ng mga dating heneral ng Philippine Military Academy na bumuo ng manifesto upang palayain sina ka Eric at Doc. Lorraine Badoy matapos ma-cite in contempt sa Kongreso.

“Kung nakita naman nila na talagang ‘yung ating karapatan ay nalalabag, alam niyo bilang isang sundalo, military o pulis man, ‘yan po talaga ang pinaglalaban natin, ‘yang karapatan ng bawat isa sa atin kaya nga po tayo pumapasok sa kasundaluhan para maging sundalo ay para mabigyan ng laya at karapatan ‘yung ating…ma-enjoy ng ating mga kababayan ‘yung kanilang mga karapatan,” aniya.

Payo ni PGen. Albayalde sa mga nasa katungkulan na maging patas dahil umaasa ang mamamayan na sila ay tunay na magseserbisyo sa publiko at hindi magpeperwisyo sa buhay ng sambayanang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble