Pakay ng impeachment case vs. VP Sara disqualification lang—Sen. Imee

Pakay ng impeachment case vs. VP Sara disqualification lang—Sen. Imee

NANINIWALA si Sen. Imee Marcos na disqualification lang ang pakay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Aniya, hindi accountability sa anumang pagkakamali ang nais resolbahin ng naturang kaso.

Kung titingnan sa Saligang Batas ng Pilipinas, kapag napatunayang guilty ang isang government official at nagtagumpay ang impeachment laban sa kaniya ay matatanggal na ito sa puwesto.

Pagkakaitan na rin ito ng karapatang humawak muli ng pampublikong posisyon.

Samantala, sinabi ni Sen. Imee na posibleng tatawid sa 20th Congress ang impeachment case na ito ni VP Sara.

Sa kabila ito ng pagpapabalik ng Senado ng verified impeachment complaint sa Kamara.

Matatandaang 18 senador ang pumabor na ibalik muna ito sa Kamara habang lima lang ang hindi pabor.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble