TUGUNAN ang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig sa mga paaralan.
Ito ang naging utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Local Water Utilities Administration (LWUA).
Nais din ng Pangulo na may mananagot bakit walang sapat na mga suplay ng tubig halimbawa sa mga paaralan sa Bulacan.
Ayon kay Marcos Jr., dapat agarang matugunan ang problema dahil sa Hunyo 16 na ang school opening para sa School Year 2025-2026.
Sa pagbisita ng Pangulo sa isang paaralan sa Bulacan ay nakita rin nya na ang mga gusali ay itinayo pa noong 1970s.
Dapat aniya ay napalitan na rin ito.