KINUMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatakdang simulan ang distribusyon ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng pampublikong transportasyon ngayong linggo.
Sa pahayag ng LTFRB, araw ng Martes ay inaasahang maido-download na sa ahensiya ang P3-B pondo para dito.
Nasa 280,000 PUV units ng pampublikong transportasyon ang mabibigyan ng ayuda, kabilang ang mga operator ng jeep, bus, taxi, UV express, shuttle service, tourist, at school service.
Aabot sa 980,000 sa mga tricycle driver at 150,000 sa mga delivery rider.
P10,000 ang matatanggap ng mga modernized jeepney at UV express, habang P6,500 naman sa tradisyunal na jeep, bus, taxi at TNVS, P1,200 ang makukuha ng mga delivery rider at P1,000 naman sa mga tricycle driver.