ISA ang nasawi matapos na mahati ang isang pampasaherong van nang bumangga ito sa poste ng ilaw sa Tacloban City noong tanghali ng Hunyo 10.
Sa lakas ng banggaan, tumilapon palabas ng likurang bahagi ng van ang isa sa mga pasahero. Makikita rin sa video ang ilang pasaherong nakahandusay sa kalsada.
Labindalawa ang sakay ng van, kabilang ang drayber. Lahat ay nagtamo ng sugat at agad dinala sa ospital.
Ayon sa Traffic Enforcer ng Tacloban, malakas ang ulan nang maganap ang aksidente habang binabaybay ng van ang daan patungong Daniel Romualdez Airport.