NILINAW ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi pa opisyal na nagsisimula ang tag-ulan.
Ito’y sa kabila ng mga pag-ulan at pagkulog-pagkidlat nitong mga nagdaang araw.
Sa paliwanag ng state weather bureau, ang tag-ulan ay idedeklara lamang kapag ang habagat na ang nangingibabaw na sistema ng panahon kapalit ng easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Pacific Ocean.
Karaniwang nagsisimula ang tag-ulan sa huling bahagi ng Mayo o unang bahagi ng Hunyo.