Panawagang leave of absence ng ilang heneral na umano’y sangkot sa 990 kilos na shabu noong 2022, suportado ng PNP

Panawagang leave of absence ng ilang heneral na umano’y sangkot sa 990 kilos na shabu noong 2022, suportado ng PNP

SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang panawagang leave of absence para sa mga heneral at iba pang opisyal ng PNP na isinasangkot sa nasabat na 990 kilo ng shabu noong 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na ang pagliban sa serbisyo ng mga isinasangkot na pulis ay pinakamainam na desisyon para bigyang-daan ang malalimang imbestigasyon ukol dito.

Matatandaang, nasa 11 pulis ang personal na pinangalanan ni Interior Secretary Benhur Abalos na pinaniniwalaan nitong nasa likod ng malawakang transaksiyon ng iligal na droga sa bansa.

Una na ring nanindigan ang PNP na wala silang sasantuhing maling gawain ng sinumang pulis anuman ang posisyon nito sa organisasyon.

Sa kabilang banda, tiniyak ng PNP na mananatili silang tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga tagapagtanggol ng mamamayan at ng komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter