Pang-unawa ng media, hiningi ng DOJ, kaugnay sa kaso ni dating Cong. Teves

Pang-unawa ng media, hiningi ng DOJ, kaugnay sa kaso ni dating Cong. Teves

HUMINGI ng paumanhin at pang-unawa sa media ang Department of Justice (DOJ) dahil hindi na sila magbibigay ng anumang impormasyong kaugnay sa pag-usad ng mga pagdinig sa kasong kinakaharap ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na kailangan kasi nilang sumunod sa utos ng Manila Regional Trial Court (RTC) na nagbabawal sa lahat ng kampo na magsalita tungkol sa kaso dahil makakaapekto ito sa merito ng usapin.

Si Teves na pangunahing akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay nananatili pa rin ngayon sa Timor-Leste.

Samantala, nilinaw naman ng DOJ na kahit wala na sa ilalim ng house arrest si Teves ay inobliga naman ito ng Court of Appeals (CA) sa naturang bansa na magreport o magpakita sa hukuman kada dalawang araw at patuloy na binabantayan o mino-monitor ng mga awtoridad doon.

Follow SMNI NEWS on Twitter