Pangalawang Russian general, nasawi sa bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine

Pangalawang Russian general, nasawi sa bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine

NADAGDAGAN pa ang Russian generals na nasawi sa nagpapatuloy na krisis sa Russia at Ukraine.

Sa pahayag na inilabas ng Chief Directorate of Intelligence ng Defence Ministry ng Ukraine kinumpirma nitong ang first deputy commander ng  41st army ng Russia na si Major General Vitaly Gerasimov ang napatay nitong Lunes lamang.

Napag-alaman ding una nang nasawi ang isa pang Russian general noong Pebrero na isa ring deputy commander.

Sa ngayon ay 11,000 Russian troops na ang naitumba ng Ukrainian army simula nang mag umpisa ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa subalit 500 lamang dito ang kinumpirma ng Russia.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang Defence Ministry ng Russia ukol dito.

 

Academy of Country Music Awards, inialay ni Dolly Parton sa mga Ukrainian

INIALAY ng singer na si Dolly Parton ang 57th Annual Academy of Country Music Awards sa mga Ukrainian.

Ang naturang awarding ay ginanap sa Allegiant Stadium, Las Vegas Nevada.

Sa pagbubukas ng Annual Awards Ceremony, sinabi ni Parton na dapat ibahagi ang pagmamahal at pag-asa sa mga mamamayan sa Ukraine.

Hiniling pa nito na ipagdasal ang kapayapaan para sa mga ito.

Itinanghal naman si Miranda Lambert sa Academy of Country Music Awards bilang Entertainer of the Year.

Pinarangalan din si Morgan Wallen sa kanyang best album na “Dangerous,” at si Jason Aldean at Carrie Underwood para sa Song of the Year na “If I Didn’t Love You.”

Follow SMNI News on Twitter