NAGBIGAY ng isang masusing assessment ang kapatid ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“He does not understand, he is breaking the laws of God,” saad ni Eleanor Duterte, Panganay na kapatid ni FPRRD.
‘Yan ang diretsahang sagot ni Ms. Eleanor Duterte, ang panganay na kapatid ni dating Pangulong Duterte, sa kung ano ang assessment nito sa kasalukuyang pamamahala ni Pangulong Marcos Jr.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI sa 83-anyos na ate ni dating Pangulong Duterte, sinabi nito na may kalayaan ang kasalukuyang Pangulo na magdesisyon para sa ikabubuti ng mga Pilipino.
Ngunit sa halip na ikabuti, tila nakasama pa aniya ang ginawa ni Marcos Jr. kay dating Pangulong Duterte na pagpapakulong sa International Criminal Court (ICC).
Hakbang na wala aniyang gabay mula sa itaas.
“One of the things that’s in the Scriptures, the Bible says that what if profit a man if he gains the whole world, suffering the loss of his soul. Naiintindihan niya bang may kaluluwa siya? I don’t think so. Why? What is the reason? Because by free will, he chose darkness over God—or the devil or Satan, whatever you want,” giit ni Eleanor Duterte.
Dahil tingin ng panganay nila dating Pangulong Duterte na walang gabay ng Panginoon ang Marcos Jr. government, tinawag nito ang sitting president bilang ‘walking dead.’
“Some of us is what is called by the Americans the “walking dead.” Who is the walking dead? The walking dead is you, me, for example, who live a life and chose the darkness instead of God,” aniya pa.
“PBBM is one of them. Bakit ko nasabi ‘yun? He breaks every human law possible! Let alone hindi niya naiintindihan ang higher law. All our human laws are based on a higher law! Hindi ba niya naiintindihan ‘yun?” dagdag pa nito.
Bukod sa kanilang pamilya, iginiit rin ni Ms. Duterte na ramdam ng mayorya ng Pilipino ang inhustisya sa bansa.
Dagdag pa riyan ang mataas na presyo ng bilihin, paglaganap muli ng ilegal na droga at korapsiyon sa gobyerno.
“So when a man possesses power, hindi niya na alam kung ano ang gawin! Instead of enjoying life, because hindi niya alam, lahat ng biyaya binigay sa kanila, the family, the reputation, the wealth, the whatever, galing ba sa kanila ‘yun? No, no. And he doesn’t understand that,” aniya pa.
Dahil sa kaniyang edad, 85% aniya ng kaniyang panahon ay nilalaan sa pag-aaral sa Bibliya at pagdarasal.
Tiwala naman si Ms. Duterte na hindi pababayaan ng Maykapal ang kaniyang kapatid sa loob ng ICC.
Ipagdarasal naman ni Ms. Duterte na patuloy siyang bigyan ng dakilang lumikha ng proteksiyon dahil sa kaniyang paglantad.
Batid kasi nito na hinahabol o binabalikan ng pamahalaan ang lahat ng mga nagsasalita laban kay Marcos Jr., sa pamilya nito at maging mga malalapit na kaalyado.
Eleanor Duterte kay Marcos Jr.: What you sow you shall reap
“Therefore, what will happen to him, I don’t know. God is the ultimate judge. Kung magsabi ang mga tao, karma na iyan. Karma is not a punishment na pinarusahan kasi ginawa mo ‘yan just like the human law. Karma is just the fulfillment of the law. Karma actually is… in universal law it’s called or in the Bible—what you sow you shall reap,” giit pa nito.
Follow SMNI News on Rumble