Panibagong curriculum para sa Senior High School, target ipatupad sa SY 2025-26

Panibagong curriculum para sa Senior High School, target ipatupad sa SY 2025-26

NAIS ng Department of Education (DepEd) na maipatupad na ang panibagong curriculum para sa mga senior high school ngayong School Year 2025-2026.

Ayon sa ahensiya, sa bagong curriculum ay magiging lima hanggang pito na lang ang core subjects ng mga mag-aaral sa senior high.

Halimbawa na rito ang Basic Mathematics, Science, Communications, Filipino History at Life o Soft Skills.

Sa kasalukuyan ay nasa 15 ang core subjects ng Grade 11 at 12.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble