Pantay-pantay na distribusyon ng pondo ng bayan, tiniyak ng DBM

Pantay-pantay na distribusyon ng pondo ng bayan, tiniyak ng DBM

KASAGANAAN sa Mindanao ang pangarap na nais maisakatuparan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman para sa kanyang lupang sinilangan.

Kaya naman ipinangako ng Budget chief na sisiguruhin niya ang pantay-pantay na distribusyon ng pondo ng bayan.

Nang sa ganoon, ayon sa kalihim, magiging sabay-sabay rin ang paglago at pag-unlad at walang mapag-iiwanan.

Ibinahagi pa ni Pangandaman na bilang isang anak ng Mindanao, matagal na niyang pangarap ang makitang umunlad ang Mindanao maging ang buong Pilipinas.

Dagdag pa ng kalihim, sa ilalim ng kanyang pamumuno, gumawa ang DBM ng 2023 national budget na nakaangkla sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kasabay nito ang pagtiyak na tutugon ang pambansang pondo na ito sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino.