Panukalang batas na magpapababa sa retirement age, dapat pag-aralang mabuti—Sen. Gatchalian

Panukalang batas na magpapababa sa retirement age, dapat pag-aralang mabuti—Sen. Gatchalian

DAPAT maiging pag-aralan ang panukalang magpapababa sa compulsory at optional retirement age ng mga empleyado ng gobyerno.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na maraming sumusuporta sa nasabing panukalang batas at sinasang-ayunan din ng marami na gawing batayan ng computation ng makukuhang pension ay dapat mas mataas sa isang salary grade.

Dapat din aniyang pag-aralan kung paano gawing sustainable dahil ito ay magdedepende sa pagkalkula ng buhay ng pondo.

Kailangan din aniyang magbigay ang Government Service Insurance System (GSIS) ng maliwanag na computation upang malaman kung magkano ang ibibigay na subsidiya ng gobyerno bilang equity dahil ang maagang retirement ay magreresulta ng mas malaking pagbabayad ng pension.

Hiniling din ni Gatchalian sa Civil Service Commission (CSC) na pag-aralan ang mga pension system sa iba’t ibang bansa at tukuyin ang best practices dahil nagbabago aniya ang trend katulad aniya ng life expectancy na maaaring makaapekto ng pension scheme.

Follow SMNI NEWS on Twitter