PAO chief, pinasalamatan si Senator Tulfo na palalakasin ang ahensya sa pamamagitan ng pagtaas ng budget

PAO chief, pinasalamatan si Senator Tulfo na palalakasin ang ahensya sa pamamagitan ng pagtaas ng budget

PINASALAMATAN ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta nitong Martes si Senador Rafael “Raffy” Tulfo.

Ito’y kasunod sa pangako ng senador na palalakasin ang ahensiya sa pamamagitan ng pagtaas ng budget nito at ng grupo ng mga abogadong nagbibigay ng legal na tulong sa mga indigent parties.

Sinabi ng Chief Public Attorney, gagawin ng opisina niya ang lahat para madagdagan ang budget ng PAO at kung ano man ang maibigay na tulong ng opisina ay gagawin niya.

Ayon kay Acosta na nagkasundo sila ni Tulfo na labis ang trabaho ng mga pampublikong abogado.

Sinabi niya na ang 2,400 pampublikong abogado sa buong bansa ay hindi sapat dahil sa dumaraming bilang ng mga mahihirap na nangangailangan ng libreng legal na tulong.

Samantala nagpapasalamat naman sila kay Senator Tulfo para sa vision nito para sa PAO na gawin itong mas epektibo at accessible sa lahat ng mga barangay, munisipalidad at probinsiya at lahat ng mga kulungan sa buong bansa.

Follow SMNI News on Twitter