NAGBIGAY ng payo si Philippine Federation of Professional Associations Vice President 3 Dr. Benito Atienza, sa publiko upang maiwasan ang heat stroke ngayong tag-init.
Dama na kasi ng mga Pilipino ang matinding init na dala ng papalapit na tag-init maging ng paparating na El Niño sa ating bansa.
Dagdag pa nito kung makakadama man ng sakit ng ulo, mas mainam uminom ng maraming tubig o kaya’y magbaon ng basang towel at ipunas sa mukha para mapawi ang sakit ng ulo, dala ng mainit na panahon.
Pinaiiwas din ni Atienza ang publiko sa pag-inom ng alak, pagkain ng meaty foods at matatamis na pagkain.
Dehydration naman ang nakikitang pangunahing dahilan ni Atienza kung nagkaka-heat stroke ang isang tao.
Samantala bukod sa heat stroke, uso rin ani Atienza tuwing tag-init ang vaccine preventable diseases na measles o tigdas, maging ang chickenpox o bolutong sa mga bata.