NAGBIGAY ng libreng consultation at check-up ang Parañaque City sa halos dalawang daang kababaihan sa kanilang lungsod.
Bilang bahagi ito sa pagdiriwang ng Parañaque sa National Women’s Month.
Saklaw ng libreng alok ay ang obstetrics-gynecology consultation, breast examination, breast ultrasound, prenatal check-up at electrocardiogram (ECG).
Maliban pa dito ay nagbibigay rin sila ng “Kilay is Life” activity kung saan libre ang eyebrow threading, eyebrow makeup, at beauty kits.