Partidong mapapatutunayang pinopondohan ng mga dayuhan madidiskwalipika—COMELEC

Partidong mapapatutunayang pinopondohan ng mga dayuhan madidiskwalipika—COMELEC

SINABI ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia na maaaring madiskwalipika ang mga partidong politikal na mapatunayang tumanggap ng pondo mula sa dayuhan.

Kasabay ito ng pinaigting na pagsusuri ng ahensya sa mga paglabag sa campaign finance kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo.

Babala pa ni Garcia, ang mga lalabag ay maaaring masampahan ng kasong diskwalipikasyon at kasong kriminal.

Nasa isa hanggang anim na taon ang posibleng pagkakakulong ng isang mapapatunayang lumabag dito ayon sa COMELEC.

Samantala, sinabi ng poll body na halos 400 na ang naitalang paglabag sa batas sa halalan kung saan karamihan sa mga ito ay kaugnay ng pamimili ng boto.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble