Pasay City, suportado ang “Ayusin Natin Ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally at “Prayer for Tatay Digong”

Pasay City, suportado ang “Ayusin Natin Ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally at “Prayer for Tatay Digong”

BUONG suporta ang ipinakita ng mga taga-Pasay sa campaign rally ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, kasabay ng panawagan para sa hustisya kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa nagpapatuloy na series of campaign rallies na pinangungunahan ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at panawagan ng hustisya para kay FPRRD, buo ang suportang ipinakita ng mga taga-Pasay City.

Walang pakialam sa isyung ibinabato kay dating Pangulong Duterte ang kaniyang mga supporter dahil marami parin ang dumalo sa “Ayusin natin ang Pilipinas” nationwide campaign rally.

Sinabi ni U.Rashid Gilbert B.Remoroza na taga-Peldera, Pasay City, na kung pwede lang aniya na tumakbo ulit ang dating Pangulo bilang presidente ng ilang beses ay iboboto at iboboto nya parin ito.

Si dating Pangulong Duterte para sa kanya, nagtatrabaho kahit walang camera, isang patunay ng pagiging totoong public servant.

“Nagtatrabaho si Pangulong Duterte kahita walang camera kaya kahit tatakbo pa siya ng ilang beses ay iboboto ko pa rin siya,” pahayag ni U.Rashid Gilbert B.Remoroza, Voter.

Ito na rin aniya ang dahilan bakit iboboto nya ang senatorial slate ng PDP-Laban dahil suportado at ini-indorso ito ng dating Pangulo.

Si Cornelio Tecson naman, naniniwala na ang PDP-Laban lang ang solusyon sa mga problema sa Pilipinas.

Hindi rin siya apektado sa mga isyu na ibinabato laban sa dating pangulo at sa senatorial candidate ng PDP-Laban na si Pastor Apollo C. Quiboloy, isang malapit na kaibigan ni dating Pangulong Duterte.

Ayon pa sa kanya pagtataksil sa bayan ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa ni Manong Cornelio, sa kasalukuyan ay laganap na muli ang mga lulong sa droga

Patuloy ang pagbuhos ng suporta ng publiko hindi lamang kay dating Pangulong Duterte kundi pati kay Pastor Quiboloy at iba pang Duterte senatoriables.

Naniniwala ang kanilang mga taga-suporta na sila ang magdadala ng tunay na pagbabago at kaunlaran sa bansa, lalo na sa pamamagitan ng mga programang makikinabang ang ordinaryong mamamayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble