MAGSISILBING backup hub ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMOC) sa Metro Manila ang pasilidad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang napagkasunduan ng mga opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) at MMDA kabilang si MMDA acting chairman Romando “Don” Artes.
Ayon sa OCD, gagamitin ang pasilidad ng MMDA sakaling hindi accessible o makompromiso ang NDRRMOC dahil sa sakuna.
Maliban dito, tinalakay rin ng mga opisyal ang iba pang “possible areas of collaboration” ng OCD at MMDA.
Sa ngayon, abala ang OCD sa paghahanda para sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Nobyembre 9.
Nakatakdang ganapin ang ceremonial pressing of the button sa Casiguran, Aurora.