SA direktiba ni Mayor Arthur B. Robes at base na rin sa rekomendasyon ng CSJDM Disaster Risk Reduction and Management Council, suspendido simula kaninang 1:00 PM ngayong araw Setyembre 1, 2023 ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng San Jose del Monte.
Ito ay kaugnay ng umiiral na habagat dala ng dating Bagyong Goring at Bagyong Hanna na patuloy na nagdudulot ng walang tigil na pag-ulan.
Pinapaalalahanan ang mga San Joseño na mag-ingat at maging alerto.
Para sa posibleng emergency cases dulot ng sama ng panahon, pinapayuhan ang mga residente nito na makipag-ugnayan sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa numerong 0932-600-0119 at 0955-206-7200.