Pastor Apollo C. Quiboloy, bumoto na para sa BSKE

Pastor Apollo C. Quiboloy, bumoto na para sa BSKE

MAG-aalas dos ng hapon, bumoto na rin si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa Tamayong Elementary School para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Dito sa barangay na ito sa paanan ng Bundok Apo, ipinanganak at lumaki si Pastor Apollo kasama ng mga Ovu Manovu at iba pang mga tribo sa lugar.

Wala ring ibang hinahangad ang butihing Pastor para sa mga residente dito kundi ang kapayapaan at patuloy na kaunlaran.

Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga mananalo

Mensahe naman ni Pastor Apollo sa mga mananalong opisyales ngayong BSKE, pagbutihan nila ang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan dahil ito ang kinakailangan ng ating bayan lalo na sa mga panahon ngayon.

Sa pangkalahatan, payapa at maayos ang BSKE sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City.

Malaki ang pasasalamat ng mga opisyales ng barangay, Commission on Elections (COMELEC) at maging ng volunteer teachers dahil sa pakikiisa ng mga residente dito sa demokrasya sa pagpili ng kanilang mga bagong kinatawan sa barangay at maging sa sangguniang kabataan.

Ang mga botante sa Brgy. Tamayong ay umaabot sa mahigit 8,700 samantalang nasa 2,600 ang SK voters.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter