PABOR si Pastor Apollo C. Quiboloy sa panukalang pag-criminalize sa pagpapakalat ng fake news.
Ayon kay Pastor Apollo, maganda ito lalo na ngayong naglilipana ang fake news.
‘’Maganda ‘yan, yung fake news kasi naglilipana hindi mo alam ano yung totoo. Tayo, hindi natatakot diyan kasi talagang totoo naman ang sinasabi natin,’’ ayon sa butihing Pastor.
Dagdag ni Pastor Apollo, siya at ang SMNI ay hindi takot dito dahil pawang katotohanan lang ang inilalahad nito.
Ani Pastor Apollo, ang matatakot lang sa panukalang ito ay ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Dagdag ni Pastor Apollo, kung hindi ito maisasabatas, hindi matutuldukan ang problema ng bansa sa fake news.
Ilan sa inihalintulad ni Pastor Apollo sa panukalang ito ay ang pagpapatupad ng martial law, pagkakaroon ng national ID, at pagpapatupad ng SIM Card Registration.
Ayon kay Pastor Apollo, hindi ito natatakot sa mga nabanggit dahil sumusunod ito sa batas.
Sa huli, sinabi ni Pastor Apollo na ang CPP-NPA-NDF lang ang matatakot sa panukalang ito dahil mabubulgar na ang pagka-ahas nila.
Matatandaang inihain ni Senator Jinggoy Estrada ang Senate Bill No. 1296 na naglalayong ituring krimen ang paggawa at pagpapakalat ng mga pekeng balita.