Pastor Apollo Quiboloy: Husgahan ako sa mga nagawa ko hindi sa mga paninira

Pastor Apollo Quiboloy: Husgahan ako sa mga nagawa ko hindi sa mga paninira

MULA sa pagiging tagapangalaga ng mga kabataan, sa malalim na suporta sa kalikasan, at sa espiritwal at moral na pagbabago na hatid niya sa mahigit pitong milyong miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), hindi matatawaran ang mga nagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga taong kaniyang tinulungan.

Parte si Pastor Quiboloy ng DuterTEN Senate Slate—isang grupo ng mga kandidato na pinili at iniendorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Si Pastor Quiboloy ay kasalukuyang nasa detention facility—hindi dahil sa anumang pagkakasala, kundi dahil sa mga gawa-gawang kaso—mga bintang at alegasyong pilit na ipinapahid sa kaniya.

Ang Butihing Pastor ay nasa isang sitwasyon na nagbigay daan para pasukin niya ang magulong mundo ng politika—na ginagamit para siya’y usigin, dahil sa kaniyang pagiging malapit sa mga Duterte.

Kaya’t ang mensahe ni Pastor Quiboloy sa mga botante, simple lang—tingnan ang kaniyang track record at mga nagawa sa KOJC. ‘Yun aniya ang dapat na maging batayan para iboto siya ng mga Pilipino sa Senado.

“Sapagkat nakita ninyo ang aking pamamahala sa KOJC, you base my personality on my track record, pagpalain po kayo ng ating Dakilang Ama, sa inyong pagtitiwalang ‘yan, hindi ko po sinira ang pagtitiwala sa aking kongregasyon at hindi ko rin sisirain ang pagtitiwala ninyo, na naniniwalang ako’y inosente,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, DuterTEN Senatorial Candidate.

Bukod sa mga non-government organizations (NGOs) na nakatuon sa mga kabataan at sa pangangalaga ng kalikasan, si Pastor Quiboloy ay mayroon ding mga programa na tumutok sa mga kapatid na Indigenous Peoples (IP).

Dahil dito, suportado ng IP community sa Lakewood, Zamboanga del Sur ang kaniyang kandidatura.

“Kung naabot ni Pastor Quiboloy ‘yung katayuan niya na kaya niyang mag-kontrol ng ganoong mga tao, then mas ‘yun ang kailangan ng mga tao kasi nakaintindi ‘yan sa hirap ng mga tao,” ayon kay Mayor Domingo Mirrar, Lakewood, Zamboanga del Sur.

“Maraming salamat po, nawa’y maliwanagan din kayo sa susunod na mga panahon na huwag basta-basta maniniwala sa mga akusasyong puro lang paninira sa social media, sa mainstream media, sa mga pahayagan o newspaper sapagkat ‘yan po ang tunay na pakay ng mga kalaban ng politika, puro pamolitika po ito,” ani Pastor Quiboloy.

Sa kaniyang pagpasok sa politika, ang layunin ni Pastor Quiboloy ay magbigay ng tunay na liderato upang ayusin ang Pilipinas. Kaya’t umaasa siya sa suporta ng mga Pilipino, lalo na para sa kaniyang adhikain ng zero corruption sa gobyerno.

“Si Pastor Quiboloy kung isipin mo extraordinary na tao, kung isipin mo hindi lang naman ‘yan sa Mindanao o sa Pilipinas—all over the world Pastor Quiboloy is known,” dagdag ni Mirrar.

“Ginulo nila ang aking buhay, ang buhay ng aking paglilingkod at kinulong pa ako at nakita ko na sira ang pamamahala sa Pilipinas, paikot-ikot na lang, kaya’t wala akong ibang choice, kundi ang sumawsaw dito sa politikang ito, para maibigay ko naman ang ambag ko sa pamamahala na maituwid, kaya meron akong rally na ang title ay “Ayusin ang Pilipinas”, giit ni Pastor Quiboloy.

FPRRD sa mga Pilipino: Iboto ninyo si Pastor Quiboloy para sa pagbabago sa Senado

“Si Pastor akong gitan-aw nga maoy magdala sa kabag-uhan diha sa Senado para sa Diyos. So, Pastor I wish you luck ug giawhag nako ang mga tao nga botohon ninyo, botohi ninyo si Pastor kay dili gyod mo magmahay,” wika ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter