Pastor Quiboloy, bagay na bagay na maging fiscalizer sa Senado—Allen Capuyan

Pastor Quiboloy, bagay na bagay na maging fiscalizer sa Senado—Allen Capuyan

BINISITA ni independent senatorial candidate Allen Capuyan ang isang barangay sa bayan ng Malasiqui sa kaniyang pangangampanya sa lalawigan ng Pangasinan.

Kabilang din sa kaniyang inendorso na karapat-dapat sa Senado si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Positibo si senatorial candidate Allen Capuyan na maraming maiambag sa bansa ang kapwa niyang tumatakbo para sa pagka-senador na si Pastor Apollo C. Quiboloy kung papalaring makapaglingkod sa Senado. Bagay na bagay aniya kay Pastor Quiboloy na maging tunay na fiscalizer sa Senado.

Sa kaniyang talumpati, idiniin ni Capuyan na gawa-gawa lamang ang lahat ng akusasyon laban kay Pastor Quiboloy at ibinahagi rin ng senatorial candidate ang maigting na pakikipaglaban ng butihing pastor laban sa mga komunista ng NPA.

Ibinahagi rin ni Capuyan ang ilang batas na gusto niyang isulong na aniya ay nakasentro sa pangangailangan ng taumbayan.

Nais din na isulong ni Capuyan ang Filipino core values at Filipino identity para sa tunay na pagkakaisa at ang pagkakaroon ng free Wi-Fi sa lahat ng mga Pilipino bilang bahagi ng modernisasyon sa bansa.

Kaugnay naman sa nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, naniniwala si Capuyan na hindi tama ang proseso sa pag-implementa ng batas at tila aniya naulit lamang ang ginawa nila kay Pastor Quiboloy.

Nagkaroon din ng pagkakataon na mailinaw ni Jun Dumlao, coordinator ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement, ang mga paratang laban sa butihing pastor na pawang walang katotohanan.

Matapos ang pagbisita ni senatorial candidate Allen Capuyan sa Barangay Palong, Malasiqui ay dumiretso ito sa bayan ng Mangatarem para makipag-ugnayan sa mga kababayan doon at ibahagi ang kaniyang adhikain.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble