MATAPANG na dinipensahan ng Laban Kasama ang Bayan anchors na sina Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey Ka Eric Celis si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ito’y kasunod ng press release na inilabas ng US Treasury Department na nagbibigay ng sanksyon sa butihing Pastor dahil sa umano’y kinasasangkutang korapsyon at pang-aabuso sa karapang pantao.
Ayon kay Ka Eric, na isa ring dating kadre ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF, nasa track record na talaga ng Amerika ang paglabag sa karapatang pantao.
Kaya naman, mariing kinondena ni Ka Eric ang ginagawang kalapastangan ng Amerika sa butihing Pastor at iginiit na ito ay isang sistematikong pag-atake lamang.
Inilahad naman ni Ka Eric ang mga kabutihan na ginawa ni Pastor Apollo para sa ating bansa at nilinaw na hindi ito lumalabag sa karapatang pantao.
Para naman kay Dr. Loraine Badoy, maaaring nababahala ang bansang Amerika kay Pastor Apollo dahil isa ito sa nag-iimpluwensya sa mga Pilipino upang maging malakas at matatag ang ating bansa.
Dagdag pa ni Badoy, ang ginawang ito ng Amerika ay nagpapakita lamang na bulok ang sistema ng kanilang bansa.
Nanindigan din si Ka Eric at Dr. Badoy na mananatili itong nakatayo para sa katotohanan.