PBBM, dinaluhan ang royal wedding sa Brunei Darussalam

PBBM, dinaluhan ang royal wedding sa Brunei Darussalam

NITONG Sabado ng gabi ay lumipad patungong Brunei Darussalam si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos para daluhan ang isang royal wedding.

Inimbitahan ng sultan ng Brunei na si Hassanal Bolkiah, si Pangulong Marcos para dumalo sa royal wedding ng kaniyang anak – ang Royal Prince ng Brunei na si Prince Abdul Mateen at Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam.

Si Prince Abdul Mateen ang ika-6 sa linya ng succession sa Bruneian throne.

Habang si Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam ay isang businesswoman na nagmamay-ari ng isang fashion brand at ng tourism company.

Nabanggit din ng Presidential Communications Office (PCO) na kasama ni Pangulong Marcos sa naturang okasyon ang iba pang mga pinuno ng iba’t ibang estado.

Ayon pa sa PCO, ang pagdalo ng Pangulo sa royal wedding ay muling nagpatibay sa malakas na ugnayan ng parehong Pilipinas at Brunei.

Naitatag ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa noong Enero 1, 1984.

Ang Brunei ay tahanan ng mahigit 22,000 overseas Filipino workers (OFWS).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble