HINDI dadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gaganaping Global Peace Summit sa Switzerland ngayong Hunyo 15-16, 2024.
Tanging pupunta lang doon ay si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. bilang representative ng bansa.
Ilalabas pa ng Presidential Communications Office (PCO) ang sanhi kung bakit hindi dadalo sa event si Pangulong Marcos.
Noong nakaraang linggo nang personal na bumisita sa Pilipinas si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy para imbitahin si Pangulong Marcos sa magiging summit.