PINANGUNAHAN ni Pangulong Marcos ngayong araw ang paglulunsad ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP) sa lungsod ng Maynila na may temang “Better Bodies and Minds”.
Base sa Expanded National Nutrition Survey (ENNS), nakapagtala ang Pilipinas ng mataas na insidente ng pagkabansot at iba pang isyu sa kalusugan ng mga batang Pilipino.
Nauna ring sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi bababa sa 21.6 porsiyento ng mga sanggol at paslit sa buong bansa ang nabansot sa nakalipas na 10 taon.
Kaya naman, nanawagan si Pangulong Marcos para sa partisipasyon ng mga local government units (LGUs) sa pagsasagawa ng mga proyektong nagtataguyod ng kalusugan at mabuting nutrisyon at pagtugon sa malnutrisyon.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang naturang panawagan sa gitna ng dinaluhang paglunsad ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP) sa The Manila Hotel sa Maynila nitong Miyerkules.
Ang programa ay naglalayon na maghatid ng mga serbisyo nang diretso sa mga LGU na nangangailangan ng interbensiyon, sa anyo ng primary healthcare support at nutrition services.
Kabilang dito ang mga serbisyo sa Early Childhood Care and Development, bukod pa sa access sa malinis na tubig at sanitasyon, teknikal na impormasyon, pagsasanay at financing at iba pa.
“So we have found the way to bring the LGUs in because it is without their partnership, we do not get to what is often referred to as the last mile, and that is always the problem when you try to translate the program from the national government all the way down to the local government down to the barangay level,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Samantala, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga mambabatas sa kanilang tulong sa proyekto ng nutrisyon sa pamamagitan ng pagtulong sa administrasyon na bumuo at magpatibay sa law policies.
“Let me also take this opportunity to enjoin our lawmakers for their assistance in this endeavor by helping us develop and enshrine into law policies that will help eradicate malnutrition and uplift the standards of primary healthcare and nutrition in the Philippines,” dagdag ng Pangulo.
Upang higit ding matugunan ang malnutrisyon sa bansa, muling nanawagan ang Pangulo sa DOH na makipagtulungan sa iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa pagsasaayos at pagsasakatuparan ng proper diet at nutritional policies at practices.
Habang patuloy na humaharap ang bansa sa banta ng gutom at malnutrisyon, tiniyak ni Pangulong Marcos na gumagawa ng hakbang ang gobyerno upang makahanap ng epektibong solusyon para dito.
Inihayag ng Pangulo na mahalagang tugunan ang malnutrisyon dahil isa itong balakid sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
“Rest assured that this administration is working conscientiously to find effective and cost-cutting solutions to address these and other paramount social problems and concerns. Ang lahat ng ito po ay para sa isang malusog at maunlad na sambayanang Pilipinas ngayon, bukas, at sa hanggang na susunod na henerasyon,” ayon pa kay Pangulong Marcos.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang kaniyang administrasyon ay nakatuon sa pamumuhunan sa 110-milyong malakas na populasyon ng bansa, na itinuturing na main drivers ng ekonomiya.
Samantala, kinilala rin ni Pangulong Marcos ang World Bank sa pagbibigay ng mahalagang tulong sa pagpopondo upang maisakatuparan ang proyekto.
“Of course, this would not have been possible without the crucial funding assistance from the World Bank. And for that we will be eternally grateful,” ani Pangulong Marcos.
Magkakasama sa pagsulong ng naturang inisyatiba ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), National Nutrition Council, Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), gayundin ang mga LGU mula Luzon hanggang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa naturang event sa Maynila, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang paglagda sa commitment board na nangangako ng suporta sa Philippine Multisectoral Nutrition Project kasama ang ibang opisyal ng pamahalaan.
Kasama ni Pangulong Marcos sa event sina DOH Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, Dswd Sec. Rex Gatchalian, Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles, BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at kinatawan mula sa World Bank.
Ang PMNP, ay isang four-year project na pinamumunuan ng DOH at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakatuon ito sa pagpapatibay ng isang bold multi-sectoral approach upang makamit ang nutrition-specific at nutrition-sensitive interventions sa iba’t ibang LGUs.
Ang Philippine Multi-sectoral Nutrition Project o PMNP ay iimplementa sa 235 LGUs sa 12 rehiyon sa bansa.
Saklaw rin ng PMNP ang karagdagang 40 munisipalidad mula sa 3 probinsiya sa BARMM.
Kasunod nito, iginiit ni Pangulong Marcos na dapat harapin ng gobyerno ang malnutrisyon, na nauugnay sa pangmatagalang masamang epekto sa pag-unlad.
Ang banta na ito, saad ng Pangulo, ay nagdudulot ng pinsala mula sa learning ability at academic performance hanggang sa productivity at employment opportunities ng bawat indibidwal.