PBBM, nakipagpulong sa Hari ng Malaysia

PBBM, nakipagpulong sa Hari ng Malaysia

NAKIPAGPULONG sa Hari ng Malaysia si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sumentro ang talakayan ng mga head of state at government ng bansang Malaysia kay PBBM ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa na pinadapa ng COVID-19 pandemic at ang pagpapalakas sa sektor ng Halal Food Industry at Islamic Banking.

Ginanap ang arrival honors sa parade ground ng Istana Negara para kay Pangulong Marcos na sinundan ng 21 gun salute.

Pinangunahan ni Malaysian King Al-Sultan Abdullah at Queen Azizah sa pag-welcome sa Pangulo, First Lady Liza Araneta-Marcos, at delegasyon nito.

Present din sa state welcoming ceremony si Prime Minister Anwar Ibrahim at maybahay nito na si Dr. Wan Azizah.

Kasama ng Pangulo sa kaniyang delegasyon sina House Speaker Martin Romualdez, Sen. JV Ejercito, Sen. Mark Villar, Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo, Finance Sec. Benjamin Diokno, Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual, Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Dir. Gen. Suharto Mangudadatu, MinDA chairperson Mabel Acosta, Social Sec. Bianca Zobel, Ilocos First Dis. Rep. Sandro Marcos, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Prime Minister Ahod Ibrahim, Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, at Tawi-Tawi Gov. Yshmael Sali.

Isang ceremonial tree planting din ang ginanap sa National Palace kung saan isang melinjau tree, isang evergeen na halaman na may scientific name na Gnetum gnemon upang bigyang halaga ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Malaysia.

Malaysia-Pilipinas, magtutulungan para mapalakas ang digital economy at Halal Food Industry

Nagkaroon din ng pagpupulong sina Pangulong Marcos at Hari ng Malaysia.

Umaasa si King Al-Sultan Abdullah na mas mapalalim pa ang kooperasyon sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas partikular na sa sektor ng agrikultura at ang mga lumalakas ngayon na sektor gaya ng digital economy at Halal Food Industry.

“Mutual efforts and understanding are vital to further elevate our close relations and good cooperation to new heights … I hope that Malaysia and the Philippines can expand their collaborations and partnership in new and emerging areas such as agriculture, digital economy and Halal Food Industry,” ayon kay King Al-Sultan Abdullah, Malaysia.

Nakikita naman ni Pangulong Marcos na magandang partner ang bansang Malaysia lalong-lalo na sa patuloy na pagbangon ng mga ekonomiya ng dalawang bansa na pinadapa ng COVID-19 pandemic.

 “I believe that it is the way for us to refocus our efforts together to mutually beneficial initiatives for our two countries and to see how we can help one another as we face the post-pandemic future,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Pagpupulong nina Pangulong Marcos at Malaysian PM Anwar Ibrahim, sumentro sa ekonomiya, Halal Industry

Kinilala naman ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Malaysia na itinuturing nitong personal na kaibigan.

Ayon kay Anwar, hindi karaniwan sa bansang Malaysia ang mabisita ng isang head of state.

Sa pagpupulong sa pagitan ni Pangulong Marcos at Prime Minister ng Malaysia, tinalakay rito ang mga paraan upang mapalakas ang pagbangon ng ekonomiya ngayong post pandemic era, pagpapalakas ng Halal Industry kung saan target ng dalawang bansa ang mapasok ang Middle East market at ang issue ng Myanmar.

 “We mention also the potential of the Halal Industry of both countries who will certainly do the most on the issue of certification, but I think jointly we should undertake effective measures to ensure that the Halal Industry can penetrate more effectively into the Middle Eastern market in particular,” dagdag ni Prime Minister Anwar Ibrahim, Malaysia.

Ibinahagi naman ni Pangulong Marcos na napagkasunduan nila ng Prime Minister ng Malaysia na ibalik ang Philippine-Malaysia Joint Commission Meeting sa darating na Oktubre.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng pagpupulong ay magkakaroon ng mas malalimang pag-uusap sa dalawang bansa para matalakay ang usapin ng transnational crime, agriculture, Halal Industry, Islamic banking, education, tourism and culture, sports at digital economy.

“We do this so that our government agencies will have an avenue to discuss priority cooperation in detail, most especially in the areas of transnational crimes, agriculture, Halal Industry, Islamic banking, education, tourism and culture, sports, and the digital economy.  We continue to work on the corresponding MOUs in these fields and have them signed – we’ll have them signed in the near future,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Malaysian expert, tutulong para mapalakas ng BARMM ang Halal Food Industry at Islamic Banking

Dagdag din ng Pangulo, magkakaroon ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia upang mapalakas ang sektor ng Halal Industry, Islamic Banking at Food Security partikular na sa BARMM sa pamamagitan ng training sa ilalim ng mga Malaysian expert sa mga industriyang ito.

“Building on our bilateral relations, our governments commit to closelyHANNAH coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in Southern Philippines, in Muslim Mindanao, especially on sectors such as the Halal Industry, Islamic Banking, and Food Security. Malaysia has warmly offered their expertise to train Philippine personnel and officials to strengthen our capabilities in these increasingly important sectors,” ani Pangulong Marcos.

Sa huling araw ng Pangulong Marcos sa Malaysia ay magkakaroon siya ng pagpupulong sa mga malalaking business leaders bago bumalik sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter