PCG balak na ipagpabawal ang single-use plastic sa karagatan

PCG balak na ipagpabawal ang single-use plastic sa karagatan

INIHAYAG ni Philippine Coast Guard (PCG) commander Armando Balilo na ipagpapabawal nito sa mga PCG personnel ang paggamit ng single-use plastic.

Ito ay para mapromote ang marine protection kasabay ng kanilang pagdaraos ng 2022 Maritime Week.

Ayon kay Balilo, sa ngayon karamihan sa mga basurang nakukuha sa karagatan ay mga plastik.

Dagdag ni Balilo, balak nilang magpatupad ng educational campaign para sa pagpapabawal ng paggamit ng plastik sa pamamagitan ng video presentation at paglalagay ng posters sa mga paaralan.

Aniya naging kautusan na rin kasi ng Philippine Ports Authority (PPA) ang hindi paggamit ng plastik noong mga nakaraang taon.

Makatutulong din aniya ang media para sa information dissemination hinggil sa pagpapabawal ng paggamit ng single plastic sa karagatan.

Follow SMNI NEWS in Twitter