PCSO, nagsasagawa ng feeding program kasabay ng ika-65 na kaarawan ni PBBM ngayong araw

PCSO, nagsasagawa ng feeding program kasabay ng ika-65 na kaarawan ni PBBM ngayong araw

MALAWAKANG feeding program ang isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong araw, Setyembre 13, 2022.

Ito ay kasabay ng ika-65 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong Martes.

Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), na nagsasagawa ang PCSO kasama ang ilang Accredited Agent Corporations (AAC) o Small Town Lottery (STL) operators ng feeding program sa buong bansa.

Saad pa ng OPS, ang naturang programa ay binansagang “Handog ng PCSO: Isang araw na salu-salo sa kaarawan ng Pangulo.”

Ang nasabing programa ay bukod pa sa pagbibigay ng ahensya ng P2.5 bilyon sa Bureau of Treasury, bilang dagdag na pondo para sa Universal Health Care Program (UHCP) ng bansa sa parehong araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter