VALENZUELA CITY – Isa sa mga pangunahing isyu na tinutukan ng PDP-Laban Party sa kanilang pagbisita sa Brgy. Karuhatan ay ang matagal nang salot ng korapsiyon sa bansa.
Bitbit ang mensaheng “Serbisyong totoo, hindi para sa iilan,” buong tapang na inilahad ng “Duterten” Senatorial Slate ang kanilang platapormang nakatuon sa malinis at tapat na pamahalaan.
Ayon kay Manny Zapanta, Political Officer ni Atty. Vic Rodriguez, isa sa mga pangunahing problema ngayon ng bansa ay ang laganap na katiwalian. Ibinahagi niyang madalas ay ang mga ordinaryong Pilipino ang nagiging biktima ng sistemang ito.
“Nakakalungkot pero totoo—ang ayuda para sa mahihirap, nauuwi sa bulsa ng ilang tiwaling opisyal. Samantalang ang mga nangangailangan, patuloy na pinapaasa,” ani Zapanta.