PDP Spox: Puso at adbokasiya ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, ‘di kayang pigilan ng sinuman

PDP Spox: Puso at adbokasiya ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, ‘di kayang pigilan ng sinuman

BAGAMAT ikinalulungkot ng nakararami ang pagkakapiit ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy—bunga ng anila’y pang-aapi, panggigipit, at paniniil ng kasalukuyang gobyerno—ay bilib pa rin ang mismong tagapagsalita ng PDP Laban na si Atty. Martin Delgra na hindi ito hadlang para ipaabot ang magaganda nitong mensahe sa mga Pilipino.

Aniya, bukod-tangi nga si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon sa ngayon ay malaya pa rin niyang naipapabatid ang nilalaman ng kanyang puso, isipan—ang kaniyang mga adhikain sa sambayanang Pilipino.

“May mga kandidato tayo na hindi makapagkampanya. E ‘di magsa shout out ako dito. May isang tao na matalik na kaibigan ni Tatay Digong na may mataas at mapuso ang hangarin, ang tinutukoy ko po si Pastor Apollo C. Quiboloy. Hindi siya makapangampanya kasi nasa loob siya ng kulungan, pero ‘yung isipan, ‘yung puso, hindi po makulong ‘yan. At lumalabas ang kanyang mensahe sa buong bansa, Luzon, Visayas at Mindanao,” pahayag ni Atty. Martin Delgra, Spokesman, PDP Laban.

Dahil dito, personal niyang ikinakampanya at ipinakikiusap sa mga Pilipino na iboto at suportahan si Pastor Apollo sa darating na Mayo 12. Ito aniya ay para higit na maisakatuparan ang magagandang plano at programa na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Dahil hindi siya makakalabas at piling-pili ‘yung mga mensahe niya kasi dinadaan pa sa approval ng korte, e di magsa-shout ako especially for him. Please support him para tuluy-tuloy po ang pagbabago ng ating Tatay Digong at karamihan sa ating mga Pilipino hindi lang ngayong eleksyon kundi sa susunod pang eleksyon sa 2028 Presidential Elections. Pakiusap at aasa po ako sa inyong suporta at inyong boto sa Mayo a-dose para sa PDP Duterte TEN, straight PDP Laban,” dagdag ni Atty. Delgra.

Sa kabilang banda, walang patid ang suporta at pagkakaisang ipinapakita ngayon ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para sa Butihing Pastor, habang kaliwa’t kanan siyang ikinakampanya sa iba’t ibang sulok ng sitio, barangay, lungsod, at bayan upang ipaabot ang mga naisin ni Pastor Quiboloy para sa bayan.
Sa katunayan, palawak nang palawak ang nakukuhang suporta ni Pastor Quiboloy sa buong bansa, dahil na rin sa malalim na pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha, at pagbibigay atensiyon sa mga hinaing ng maraming Pilipino—isang hangad na pagbabago para sa bansa.

“Ngayon ang tagline ng PDP lalo na ni Pastor Apollo C. Quiboloy is ‘Ayusin natin ang Pilipinas.’ It is a very tall order, nevertheless, it is achievable, huwag kayong negatibo. But we must do something first. If you want to make ayos the Pilipinas, we must make ayos our houses first. House of Congress and House of Senate. We must put order into these two houses by what? By putting right people in that two houses,” saad ni Sis. Nelida Lizada, Administrator, KOJC.

Bilang paalala ni Pastor Quiboloy sa mamamayan ngayong eleksiyon, dapat aniya’y iboto ng taumbayan ang mga kandidatong may puso para sa tao, may malasakit, at hindi kailanman masisilaw sa pera, posisyon, at kapangyarihan.

“When you are occupying a position, resources will be in your hands. Power, even the life of your enemies will be put into your hands. How will you handle that one? You must be responsible. You must be the tagapag-ayos, hindi tagapaggulo. I hope itong ating mga hinaing, hindi lang dito, saan mang sulok maabot nitong programang ito, sana magising na kayo, Pilipino,” giit ni Sis. Nelida.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble