NAPAPANAHON na talagang maging pederalismo ang government system ng Pilipinas.
Ayon kay Senador Bong Go, mas mapabibilis ang pag-unlad ng bansa kung pederalismo ang sistema dahil magkakaroon ng totoong partisipasyon at decision making mula sa mga opisyal sa lahat ng LGU.
Aniya, ang mga opisyal sa lokal na pamahalaan ang mas nakakaalam sa ugat ng kanilang mga problema kung kaya’t sila rin ang pinaka-epektibong magresolba nito.
Sa pederalismo, mananatili sa mga LGU ang malaking bahagi ng kanilang income na siyang gagamitin sa kanilang ipatutupad na proyekto.
Nauna nang inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kaisa ito sa layuning gawing pederalismo ang government system ng bansa.
Ngayong 19th Congress naman ay isa sa matatag na advocate ng pederalismo ay si Sen. Robinhood Padilla.
Hinggil sa pag-amyenda ng konstitusyon kasunod ng panawagang pederalismo, sang-ayon din si Sen. Go na magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas dahil may mga probisyon itong hindi na akma tungo sa pag-unlad sa kasalukuyang panahon.