PH Army mas pinalakas pa ang Disaster and Threat Response Interoperability

PH Army mas pinalakas pa ang Disaster and Threat Response Interoperability

MAS pinaigting pa ng Philippine Army (PA) ang kanilang Disaster and Threat Response Interoperability katuwang ang Megaworld Corporation sa pamamagitan ng joint training na ginanap kamakailan sa Repertory Hallway, Citywalk, Eastwood, Quezon City.

Ang nabanggit na inisyatiba ng Philippine Army kasama ang security officers, operations support staff at detachment commanders mula sa Megaworld Lifestyle Malls sa buong Luzon at Metro Manila ay naglalayong mapabuti pa ang kanilang mga hakbang sa seguridad upang protektahan ang publiko.

Sa loob ng dalawang araw na training session sumailalim sa isang komprehensibong pagtalakay, demonstrations, workshops, at practical exercises ang mga partisipante na nakatutok sa Threat Identification, Human-induced Disaster Response, First Aid, Customer Service, Crowd Control, at VIP Security.

Binigyang-diin naman ni LtGen. Roy Galido Commanding General ng Philippine Army ang importansiya ng whole-of-government approach dahil ang peace and security aniya ay responsibilidad ng bawat mamamayan sa ating bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble