PH beauty queens, nagbigay ng encouraging message kay Miss Universe PH bet Celeste Cortesi

PH beauty queens, nagbigay ng encouraging message kay Miss Universe PH bet Celeste Cortesi

NAGBIGAY ng encouraging message ang mga Filipino beauty queens sa social media para kay Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi matapos bigo itong masungkit ang korona sa 71st Miss Universe pageant.

Nabigo si Celeste na umabante sa top 16 ng kompetisyon sa coronation night na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA, noong Sabado, Enero 14 (Linggo ng umaga, Enero 15 sa Maynila).

Sa naging pahayag ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, naiintindihan niya ang lungkot at pagkadismaya ng mga kandidata lalo na ang mga tagahanga at tagasuporta ng iba’t ibang mga bansa dahil alam niya kung papaano mabigo sa isang kompetisyon.

Ngunit hinikayat ni Cat ang lahat na maging positibo dahil marami pang panahon na maaaring makabawi ang mga natalong kandidata sa susunod pang mga taon.

Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang encouraging message ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at maging si Miss Universe Philippines Charity 2022 Pauline Amelinckx. beauty queens

Follow SMNI NEWS in Twitter