PH Red Cross mas pinalakas ang disaster response

PH Red Cross mas pinalakas ang disaster response

MAS pinalakas ng Philippine Red Cross (PRC) ngayon ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga kalamidad.

Ito’y matapos nilang tumanggap ng limang emergency response vehicles at isang service vehicle mula sa International Committee of the Red Cross.

Ayon kay PRC Chairman Dick Gordon, malaking tulong ang mga sasakyang ito para sa mabilisang aksiyon tuwing may sakuna.

Maliban sa mga sasakyan, tumanggap din sila ng isang bloodmobile unit mula sa Rotary Club of San Juan del Monte at Rotary Club of Gyeongju East ng South Korea.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble