Photo and static exhibits ng COMELEC sa Maynila, bukas na sa publiko

Photo and static exhibits ng COMELEC sa Maynila, bukas na sa publiko

BUKAS na sa publiko ang photo and static exhibits ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros Maynila.

Ang exhibit ay mga tanging larawan na pinamagatang “The Many Faces of the Filipino Voters: Capturing the Diversity of the Philippine Democratic Process” at ang display na “The Evolution of Ballot Boxes”.

Ayon sa COMELEC, ang lahat ay inaanyayahan na tunghayan ang kasaysayan at kaganapan sa mga halalan sa bansa sa pamamagitan ng mga larawan at litrato sa exhibit.

Ang exhibit ay matatagpuan sa Plaza Roma, Intramuros, Manila, at bukas na mula Agosto 7 – 12, 2023, 8:00 am hanggang 6:00 pm.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble