KABILANG sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at Heart Evangelista sa may mataas na Media Impact Values (MIV) mula sa Milan Fashion Week.
Ang MIV ay isang algorithm na ginawa ng Launchmetrics, isang influence analytics company.
Sinusukat ng MIV ang impact ng brand placements at mentions sa iba’t ibang communication channels sa fashion, luxury, at beauty industry.
Mula rito, sa ulat na ini-release sa fashion-industry trade journal na Women’s Wear Daily, ikalawa sa ranking si Pia at mayroon itong P303.5-M na MIV.
Si Heart ay sa ikatlong puwesto na may P202.3-M MIV.
Nanguna naman sa MIV ang South Korean boy band na NCT kung saan mayroon nitong P348-M.
Ang Milan Fashion Week Fall/Winter 2024 ay ginanap noong Pebrero 20-26, 2024.