BIBILI ang Pilipinas ng limang 97-meter patrol ships sa Japan.
Ang patrol ships ay gagamitin para palakasin ang kakayahan ng bansa sa anumang maritime operations gaya ng pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS).
Ang pagbili naman nito ay sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA) loan arrangement ng Japan sa Pilipinas para sa Maritime Safety Capability Improvement Project Phase III ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sina Department of Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang nanguna sa paglagda ng kasunduan nitong Biyernes, Mayo 17, 2024.