Pilipinas ‘di na kailangang bumalik sa ICC—analyst

Pilipinas ‘di na kailangang bumalik sa ICC—analyst

MUKHANG hindi na gaanong importante na bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ayon ito kay Hugo Santos, isang analyst ng Asian Century PH Strategic Studies Institute, sa panayam ng SMNI News.

Lalo na kung sinasabi ng gobyerno na gumagana ang justice system ng bansa.

Kung titingnan naman aniya, ang mga tinatawag na superpowers gaya ng Russia, China at Estados Unidos ay hindi rin miyembro ng ICC.

Taong 2011 nang opisyal na naging miyembro ng ICC ang Pilipinas ngunit noong Marso 2018 ay umalis na rin dito ang bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter