Pilipinas, hindi isang ‘failed state’; Ginagawa ng ICC, insulto sa mga Pilipino—SOJ Remulla

Pilipinas, hindi isang ‘failed state’; Ginagawa ng ICC, insulto sa mga Pilipino—SOJ Remulla

HINDI ‘failed state’ ang Pilipinas para makialam ang International Criminal Court (ICC).

Ito ang binigyang-diin ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla sa panayam ng SMNI News.

“Ang mga nangangailangan niyan ay ‘yung may mga giyera tulad ng Sudan, mga magulong lugar, tulad ng Afghanistan, mga katulad ng Haiti, na kung saan nagfi-fail ang state. Eh tayo, hindi naman tayo failed state eh. Kung ba’t tayo gustong pakialaman ay talagang hindi ko maintindihan at sana magdalawang isip sila sa nais nilang gawin na pakikialam sa isang bansang malaya na umaandar sa sistema ng hustisya,” ani Remulla.

Giit pa ni Remulla, may umiiral na legal system ang Pilipinas na umaandar at nakapag-deliver ang mga opisyal ng gobyerno kaya hindi kailangan ng bansa ang ICC.

“Ang ICC kasi, kinakailangan ‘yan ng mga bansa na walang porma ang gobyerno at hindi nakakapag-deliver sa tao. Eh tayo naman, mayroon tayong existing legal system na umaandar kaya ang ICC, hindi natin kailangan ‘yan sa ngayon kasi maayos naman ang ating bansa eh,” dagdag pa ni Remulla.

Ipinunto pa ng Justice Secretary na ang ginagawang ito ng ICC ay isang pang-iinsulto sa mga Pilipino.

“Insulto ito sa mga Pilipino. Parang wala tayong paninindigang sarili. Eh mayroon naman tayong paraan para usigin ang dapat usigin, basta’t mayroong violation and law sa ating bansa,” giit pa ni Remulla.

 

Follow SMNI on Twitter