NAKATAKDANG pamunuan ng Pilipinas ang grupo ng ilang middle-income countries sa isang high-level conference ngayong ngayong Abril 28–29, 2025.
Bilang bahagi ng kaganapan, mga bansa tulad ng Chile, Colombia, Thailand, at Malaysia ay makikibahagi sa pagtatalakay ng mga isyu tulad ng hindi pagkakapantay-pantay, pagbabago ng klima, access sa teknolohiya, at innovation.
Gaganapin ang conference sa Makati City. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, inaasahan ng Pilipinas na magiging upper middle-income country na pagsapit ng 2026.