NAGHAHANDA na ang Pilipinas sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa paglahok nito sa taunang Philippine-US Joint and Combined Exercise Balikatan 39-24 (BK 39-24) na gagawin sa susunod na taon.
Kaugnay nito, isang pagpupulong ang isinagawa ng mga kinatawan ng Philippine Army sa limang araw na komperensiya sa ilalim ng pangangasiwa ng AFP education, training and doctrine command na nagsimula noong December 11 at magtatapos sa December 15, 2023.
Ito ay ginanap sa Camp Aguinaldo, General Headquarters.
Tinalakay rito ang mga plano at aktibidad na gagawin sa pagitan ng Pilipinas at United States Armed Forces Indo-Pacific Command kung saan sentro nito ang mapalakas ang interoperablity lalo na sa usapin ng counter-terrorism at humanitarian assistance and disaster response ng dalawang bansa.