NAISAKATUPARAN na ang exportation o pagluluwas ng hass avocados sa Japan ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa kanilang social media post nitong Nobyembre 17, sinabi ng ahensiya na mula sa Mindanao ang unang shipment ng hass avocados.
Bagamat sinimulan ang negosasyon dito noong taong 2011, naging matagumpay ang exportation sa pagtutulungan ng Bureau of Plant Industry, Office of the Agriculture Attache sa Tokyo, at ng DOLE-Stanfilco, ang frontrunner ng banana industry sa Pilipinas.
Maliban sa hass avocado ay ini-export rin sa Japan ang mga saging at pinya.