Pilipinas napapanahon na para sa isang lider na lingkod ng Diyos—PH Nat’l Anti-Crime Group

Pilipinas napapanahon na para sa isang lider na lingkod ng Diyos—PH Nat’l Anti-Crime Group

NAPAPANAHON na para sa Pilipinas ang magkaroon ng isang lider na lingkod ng Diyos.

Ito ang tinuran ni Philippine National Anti-Crime Group (PNACG), CALABARZON at MIMAROPA Regional Commander Regino Bautista.

Naniniwala si Bautista na nalalagay na sa alanganin ang Pilipinas dahil sa tindi ng korapsiyon, paglaganap ng krimen at ilegal na droga.

Mula sa nasabing mga suliranin, isa aniya sa mga nakikita niyang solusyon ang pagluluklok ng isang lider na alagad ng Diyos.

At isa aniya sa makatutulong para linisin ang mga problemang ito ng bansa ang senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Habang, ikinumpara naman ni Bautista ang kalagayan ngayon ni Pastor na kagaya ng isang “babaeng nanganganak” na dumaranas ng paghihirap pero kalauna’y malalagpasan din ang mga unos nito sa buhay sa pamamagitan ng dasal at tiwala sa Diyos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble