PAMUMUNUAN ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon ang World Health Assembly ngayong 2025 ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang World Health Assembly ay ang pangunahing decision-making body sa anumang mga polisiya ng World Health Organization (WHO).
Dahil dito, sa pahayag ng DFA, mas pinalalawak pa ng Pilipinas ang papel nito sa pandaigdigang diplomasya sa kalusugan.
Samantala, nauna nang nahalal ang Pilipinas sa governing councils ng tatlong institusyon sa ilalim ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific.
Ito ang Statistical Institute for Asia and the Pacific; Center for Sustainable Agricultural Mechanization; at ang Asian and Pacific Training Center for Information and Communication Technology for Development.